Clarita Villanueva 1953 ( Gabi ng Lagim ) HALLOWEEN SPECIAL - episode III

1953, May 9-19 (ca.): Clarita Villanueva Attacked by Invisible Fangs

From approximately May 9 to May 18, 1953, a young woman named Clarita Villanueva in Manila, Philippines, was apparently attacked and bitten by two strange beings that only she could see. All initial information on this bizarre event came from just two press releases that hit newspapers worldwide on May 19 and 20 of the same year. The story, as told in this initial release, runs thus:
        The Mayor of Manila, Mr. Arsenio Lacson, had heard that an 18-year-old woman being held in the city's jail on vagrancy charges had claimed for the past nine days that she was being attacked by invisble creatures that would bite her. She described her invisble attackers as "a very big dark man with curly hair all over the body" and "a body with an angelic face and a big mustache." On Monday, May 18, the ninth day of Villanueva incarceration, Lacson called to have her brought to his office so he and the chief medical examiner, Mariano Lara, among other observers, could talk to her and see the wounds for themselves. Within 15 minutes of arriving, Villanueva started to scream she was being attacked again, while Mayor Lacson was sitting next to her... "she writhed and then laughed as if she had been tickled," and stated the 'things' were taking turns biting her.
 Lacson was shocked to see what appeared to be human bite marks that he knew Villanueva had not made herself, one on her neck, and one on her index finger that appeared while Lacson was holding her hand; his palm was covering the digit when the wound appeared. Lacson later stated that Lara, who was not a superstitious man, was scared stiff by the events. A photo that was run in just a few papers reporting the event appears to have been taken by newsmen who were present for the examination... Clarita Villanueva is the person being restrained in the foreground by a police doctor and nurse; Mayor Lacson is the man with glasses on.
         After the strange attacks appeared to have ceased, Villanueva was asked to try to draw what her attackers looked like but, according to Mayor Lacson, the pencil flew out of her hands so no image was ever drawn. Lacson was quoted as saying: "What it is is beyond me. This is something that goes way back to the dark, dim past." Lacson planned on asking the archbishop to perform an exorcism. Only one article I've encountered added that Lara commented "I always thought of this world as a visible thing but here is something unknown, a force unseen yet felt," implying Lara agreed with Lacson's assessment of the problem as supernatural. The same article claimed Lacson said Villanueva had been examined by specialists and pronounced mentally sound.

Pagsanib ng dalawang demonyo sa katawan ni Clarita Villanueva - (GMA-7 Jesica Sojo) 

Gabi ng Lagim


Nanlilisik ang kaniyang mga mata. Puno ng sugat at kagat ang kaniyang buong katawan—malalim, mahapdi, mala-halimaw.
Sa dako paroon, isang babae ang nilulukuban ‘di umano ng mga hindi mawaring nilalang. Sa likod ng isang madilim at malamig na selda, naghuhumiyaw ang kaniyang boses na puno ng poot at paghihinagpis. Bakas sa kaniyang mga mata ang pagod, paghihirap, galit at takot.

Siya si Clarita Villanueva, isang Pilipinang minsang lumikha ng ingay hindi lang sa bansa kundi sa buong mundo, matapos ‘di umano sapian ng mga demonyo sa loob mismo ng kaniyang piitan taong 1953.
        
Ang kaniyang kuwento ay hindi na pangkaraniwan sa kasalukuyan ngunit patotoo ng mga saksi, ito ay isang katotohanan na gumimbal sa maraming konserbatibong paniniwala. Hindi isang kathang-isip. Hindi isang imahinasyon.

Narito ang kaniyang kuwento.
Si Clarita at ang kaniyang kamusmusan

Maagang namulat si Clarita sa konsepto ng mga multo, laman-lupa at demonyo. Ang kaniyang ina kasi ay isang ispiritista na harap-harapang nagsasagawa ng mga hindi pangkaraniwang seremonya. Ngunit si Clarita, maaga ring naulila. Matapos mamatay ang kaniyang ina noong siya 12 taong gulang pa lamang, wala na siyang ibang kamag-anak na puwedeng niyang puntahan.

Dahil sa labis na pagdarahop sa kanilang probinsya, napagpasyahan niyang bumiyahe pa-Maynila para maghanap ng hanapbuhay. Namasukan siya bilang kasambahay ngunit hindi rin ito nagtagal.

17 taong gulang siya noon. Dapat sana ay nag-aaral pa at nagpapakasaya ngunit dahil sa kawalan ng disenteng trabaho, napilitan siyang pumasok sa imoral at peligrosong industriya ng pagbebenta ng laman.
Si Clarita at ang kaniyang pagkakapiit

Isang malamig na umaga, bandang alas-dos ng madaling araw, naganap ang insidenteng nagdala kay Clarita sa likod ng malamig na rehas ng bilibid.
Sa kagustuhan kasing kumita ng pera, lumapit siya sa isang lalaki at nag-alok ng panandaliang-aliw. Hindi niya inasahang ang lalaki palang ito ay isang pulis kung kaya’t agad siyang pinadakip at ipinakulong.

Palibhasa’y bata pa, nahirapan si Clarita na dalhin ang lungkot at pangungulila. Ngunit ang kaniya palang pagkakakulong ay simula pa lang ng mas malagim at makapanindig-balahibong trahedyang sa hinagap ay hindi niya naisip na magaganap.
Si Clarita at ang dalawang diyablo

Nagsimula ang lahat sa mga bulong, kaluskos at pagpaparamdam.

Ilang linggo pa lang siya sa loob ng piitan nang magsimula siyang makakita ng mga nilalang na may kahindik-hindik na wangis. Isang mala-halimaw ang hitsura —mabalahibo,  may malaking mata at malalaking ngipin— habang ang isa ay mala-tiyanak ang wangis at may matutulis na pangil.
Lumipas ang ilan pang mga araw, ang panggagambala ng mga ito, umabot na sa pisikalan.
Sa hindi maipaliwanag na pangyayari, napuno ang katawan ni Clarita ng mga kagat—mga hiwa at sugat sa balat na baon hanggang laman. Ayon sa salaysay ni Lester Sumrall, isang Amerikanong pastor na tumulong na palayain si Clarita sa pang-aalipin ng mga demonyo, sabay-sabay raw ang misteryosong pagsulpot ng mga sugat sa katawan ng dalaga. Araw-gabi, umaalingawngaw sa buong pasilyo ng bilibid ang kaawa-awang panaghoy ng dalaga.
Maging ang mga doktor mula sa iba’t ibang lungsod na tumingin sa kalagayan ni Clarita, hindi rin maipaliwanag ang kaniyang sinapit.  Dalawa sa mga ito, namatay ilang araw matapos silang isumpa ng dalaga.
“Mamamatay ka!” Sambit ni Clarita sa dalawang doktor na nais sanang tumulong sa kaniya.
May mga nagsasabi na baliw umano si Clarita ngunit paano maipaliliwanag ang mga nagsulputang  kagat na misteryosong umabot sa kaniyang likod, balikat at leeg?
Ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) naniniwala rin sa mga ganitong uri ng insidente. Katunayan, hindi ito ang unang beses na nakasaksi ang simbahang Katolika ng demonic possession, marami pa umanong iba.
Si Clarita at ang kaniyang paglaya
Sa tulong ni Pastor Lester Sumrall, nakalaya sa wakas si Clarita. Hindi lang sa mapang-aliping mga nilalang na minsang sumira sa kaniyang buhay kundi maging sa piitang naging piping saksi sa kababalaghang kaniyang pinagdaanan.
“Kinausap ako ng Panginoon at pinapunta sa Bilibid para ipagdasal si Clarita. Ayaw ko sanang pumunta pero aniya,wala na raw ibang maaaring ipadala mula sa siyudad bukod sa akin,” salaysay ni Pastor Sumrall.
Matapos makalaya sa piitian, namuhay nang normal sa Clarita, nakapangasawa at nagkaroon ng anak. Palaisipan pa rin sa kaniya at sa lahat ng mga nakasaksi kung ano eksakto ang kaniyang pinagdaanan pero isa ang sigurado, hinding-hindi nila ito makalilimutan kailanman. ---Jules Garcia/ BMS, GMA Public



8colors 
is a non-profit organization 
help us to create more ..... 
if you want to donate!!!!
it is good for us to survived .

Comments